"Andiyan sa tabi niyo!" sagot ni Alexander nang malakas
"Wala namang putol na katawan dito, nanloloko ka lang eh!" sabi ng babae.
Biglang pumito si Alexander,
at kaagad na lumitaw sa tabi ng maraming tao ang kalahating katawan niya mula beywang hanggang dalawang paa na nakapantalon.

"Wow hanep na mananaggal!" sabi ng marami. "Invisible lang pala ang kalahati mong katawan. At tingnan mo kusang naglalakad palapit sa kanya." At nang makalapit na ito sa lumilipad na  kalahating katawan ni Super Alexander ay kaagad itong dumikit sa pang-itaas na katawan niya. Palakpakan kaagad ang maraming mga tao.

"Aber ano pa nga powers mo ha?" tanong ng isa.