Google Super Andrew
                                                                                              Back to Homepage                              

"Ano iyan!!!"

"Anong ano iyan ka diyan!" sabi niya. "Superhero ako ano!"
"Talaga lang ha!"
"Oo superhero ako, tatay ko Pilipinong piloto, nanay ko, Amerkanang manananggal. Ganito talaga superpowers ko, napuputol ang katawan ko para lumipad ako," sagot ni Andrew habang lumilipad sa tanghali sa harap ng maraming tao na putol ang katawan at walang pakpak.

"Eh asan ang pakpak mo?" 



"Mayroon talaga akong itim na mga pakpak, ayoko lang munang ipakita baka kasi matakot kayo," sagot ni Andrew.  

"Talaga, eh asan naman ang katawan mo ha!"

First published on September 15, 2013 
This story is written in protection of Super Zander, a Superhero I created on August 2012.

"Andiyan sa tabi niyo!" sagot ni Alexander nang malakas
"Wala namang putol na katawan dito, nanloloko ka lang eh!" sabi ng babae.
Biglang pumito si Alexander,
at kaagad na lumitaw sa tabi ng maraming tao ang kalahating katawan niya mula beywang hanggang dalawang paa na nakapantalon.

"Wow hanep na mananaggal!" sabi ng marami. "Invisible lang pala ang kalahati mong katawan. At tingnan mo kusang naglalakad palapit sa kanya." At nang makalapit na ito sa lumilipad na  kalahating katawan ni Super Alexander ay kaagad itong dumikit sa pang-itaas na katawan niya. Palakpakan kaagad ang maraming mga tao.

"Aber ano pa nga powers mo ha?" tanong ng isa.

Agad na ibinuka ni Alexander ng mabilis at malakas ang kanyang mga palad at biglang lumabas ang manipis na gintong lubid mula sa kanyang dibdib.

"Anong magagawa
niyang puting lubid na iyan ha?"


"Kaya nitong buhatin maski isang malaking eroplano na pabagsak sa lupa," malakas na sagot ni Alexander.

"Ang galing naman," puri ng isang dalaga kay Alexander
"May girlfriend ka na ba ha Alexander?" tanong ng isang magandang dalaga.  

"Oo, kaya lang lumalabas ang pangil ko pag gusto ko siyang 
halikan, kaya iyan ngayon ang problema ko takot sa akin ang girlfriend ko!" sagot ni Alexander. "Pero pag nahalikan ko naman siya, mas lalo pang lalakas ang kapangyarihan ko. Papano,
aalis na ako, sususyuin ko pa labs ko eh, adios mga kaibigan!" paalam ni Alexander at mabilis na muling lumipad ang pang-itaas na kalahating katawan niya at muling namang humiwalay at naging invisible ang pang-ibabang bahagi nito sa lupa.


                                                     The End

                                   


StoriesPhilippines.com